The Emergency Singing Sensation

Tuesday, May 09, 2006

Favorite ko ang Electroworld

Favorite ko na ang ElectroWorld.
Matino kasi ang service nila, and usually libre ang repair as long as sa electroworld mo binili yung ipapa-repair mo.

Anyway, panarot. na-snatchan si ate ng cellphone, sa outpatient department ng UST Charity Hospital. Buti na lang, naka-line siya sa Globe. So Globe cut-off the old SIM and gave my Ate a new SIM with the same number.

At dahil nga na-snatchan si ate ng cellphone, binilihan na siya ng bago. Dalawa pa nga eh, isang cheap at isang maganda. Itong picture sa gilid ay kinuha gamit yung magandang phone ni ate.

Tinodo na namin yung shopping sa ElectroWorld last Sunday. Bumili na rin kami ng digicam, a Sony CyberShot na 6 megapixels, and a new printer. The other printer is with ate, and the new printer stays here at home. Yung bagong printer ay EPSON CX3700 na printer, scanner, copier in one.

Ah basta, favorite ko na ang ElectroWorld. May suki na nga akong salesperson dun eh. Pati yung taga-ayos ng PC, kilala na ako by face. hehe!

Tuesday, May 02, 2006

Graduate na ako!

Bohol Bee Farm Conference Room ---> this is just a portion of the conference room. The materials used come from a 130-yr. old house, which Miss Vicky Wallace bought and transferred to the Bohol Bee Farm in Dao, Dauis, Panglao Island, Bohol.


Graduate na ako!

I officially graduated from UP Diliman last April 22, 2006. On time naman ako, which means 4 years.

Ang haba ng graduation namin! Sabi nga ni Dean Lee, kami daw ang biggest batch to graduate from CSSP. Guest speaker nga pala namin ay si Juan Miguel Luz, whose name was in the papers recently because he resigned from the DepEd.

Tapos April 23, nagpakain kami dito sa bahay. I invited relatives, friends from highschool, and friends from church.

April 24-May 2, nasa Bohol ako. I went to the newest resort named "Flushing Meadows Resort and Playground". Ok naman siya, pero mahal nga lang. Php 300.00 ang entrance, consummable. Pero yung pagkain nila, higit pa sa 300pesos. Kung ako lang, I still prefer Panglao Island Nature Resort.

Pero favorite ko talaga ang Bohol Bee Farm (they serve organic food). At nakakatuwa ang newest addition ni Miss Vicky Wallace. Meron nang conference room ang Bohol Bee Farm!. Kakaiba siya kasi may "homey feel" ang conference room.
Ok, yan na lang muna. I'll prolly upload the other photos some time soon.