Buhay Artista
Ang hirap pala maging artista. Sa shooting pa lang ng UP SIKAT para sa CSSP Freshman Orientation, pagod na pagod na kami, paano pa kaya yung mga artista sa mga teleserye? Imagine, para sa isang 2-minute video, naka-isang oras na kami.
Ang daming sakripisyong kelangan gawin para lang mapaganda ang video. Nag-shooting kami ng tanghaling tapat dahil habol namin ang ganda ng lighting. Dahil dun, mga nasunog kami. Lahat kami ay nangitim. Kahapon naman, buong araw kami nag-shooting. Nakakapagod talaga dahil may costume changes, re-touch ng makeup, lakad pa kami ng lakad all over UP para sa iba't-ibang view na ipapakita sa mga Freshies. Dahil dun, nagka-paltos-paltos ang mga paa ko. Para sa isang portion ng video, kelangan apat na beses ulitin para iba't-ibang angle ang makuha. Isa lang kasi ang cameraman. Syempre, bago ang actual shoot, kelangan mag-rehearse para makatipid sa film at battery ng camera.
Hindi pa iyon ang lahat, may shooting pa kami ulit para naman sa isang music video. Haaayy...nakakapagod talaga. Ewan ko na lang kung hindi matuwa ang freshies sa mga ginawa namin.
1 Comments:
galing niyo talaga! i really appreciate the sacrifices you guys have made for the orientation. thank you talaga... :)
Post a Comment
<< Home