The Emergency Singing Sensation

Sunday, August 07, 2005

Hay naku...

Hay naku, I was in the midst of finishing a paper for my psych 140 class when I was disrupted badly. Now, I am so disturbed to the point na nawala ang aking concentration sa paggawa nung paper. Nawala ang ideas ko. Hmph.

Hay naku, nangutang na naman sa akin ang mga tao dito sa bahay. Actually, hindi na nga ito bahay kundi kapitbahay. Every week, I try to save as much as I can from the weekly allowance I get. Nag-iipon ako para meron akong mabubunot sa oras ng pangangailangan (emergency expenses or when my dad forgets to give me my allowance).

Naiinis lang ako kung bakit hindi matuto ang ibang tao mag-ipon. Ang nangyayari tuloy minsan, ako ang nawawalan pag ako ang nangangailangan.

Siguro iniisip mo, wag na lang ako magpautang para walang problema. Kaya ko naman gawin yun, kaso ako naman ang magiging masama. Tipong, they'll put the blame on me for their financial woes. Eh sa lahat naman talaga ng tao ngayon naghihirap?

Another thing, yung kapitbahay naming nangutang ay hindi ko ma-refuse. Why? Let's just say na pag tinignan mo ang record nila sa barangay, hindi ito maganda. In a way, I am buying/ putting insurance sa safety namin dito sa bahay.

Naiinis din ako kasi pinaghirapan (in the sense that I cut down on food and I don't get readings) ko ang mga iniipon ko, tapos the time it takes for them to pay it back is longer than the time it took for me to save it. Buti din sana kung mala-5-6 ako, para kumikita naman ako sa pagpapautang. pero di ko rin pwedeng gawin yun, kasi ako ulit ang magiging masama. Come to think of it, ang mga banks ay kumikita sa interest rate. Pero naiintindihan ba yun ng mga tao dito? I don't think so...

Hay naku talaga...it's such a vicious cycle.

1 Comments:

At Sunday, August 07, 2005 7:38:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Ako una nilapitan for utang. Pero i said na hello!!!! That amount is like half my allowance na. Alangan naman magutom ako dito sa UST. So I refused. Had no idea kung sino. Sino nga ba? Exag naman if they're gonna get mad over this. - gorgeous

 

Post a Comment

<< Home